Recent Posts

Breaking News

Negosyante arestado sa pagbebenta ng wood species

Arestado ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang isang negosyante dahil sa iligal na pagbebenta ng iba’t ibang wood species sa isinagawang operasyon kamakailan sa Brgy. Pangi, Amadeo, Cavite.

Kinilala ni NBI Officer-In-Charge Eric B. Distor ang suspek na si Nino Paulo Manalo, nasa hustong edad.

Nakumpiska sa lugar ang tinatayang may P3.8 milyong halaga ng iba’t ibang uri ng kahoy gaya ng Akle, Narra, Acacia at iba pa.

Nalaman na nagsagawa ng operasyon ang NBI-Environmental Crime Division (NBI-EnCD) matapos ang surveillance sa NP Manalo Woodworks at dito nakumpirma ang ginagawang pagbebenta sa mga wood species.

Nang hanapan ng lumber dealer permit, cutting permit, transport permit, wood importation permit, wood processing permit, monitoring compliance certificate, at chainsaw registration ay walang naipakita ang suspek.

Sa isinagawa rin na cyber-surveillance sa Facebook, nalaman na si Manalo ay nagbebenta rin ng lumber, wood products, at furniture sa Facebook Marketplace.

Sinalakay ng NBI ang lugar noong Hunyo 18 matapos na makakuha ng search warrant aa RTC Branch 20 ng Imus, Cavite.

Sasampahan sa Office of the Provincial Prosecutor ng Imus ng paglabag sa Section 77 (formerly Section 68) ng P.D. 705, na inamiyendahan bilang E.O. 277, na kilala bilang Revised Forestry Code of the Philippines ang suspek.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/negosyante-arestado-sa-pagbebenta-ng-wood-species/)

Walang komento