Recent Posts

Breaking News

NBI iimbestigahan nangmanyak sa anak ni Sharon

Sisiyasatin umano ng National Bureau of Investigation ang lalaking nagtangka na gahasain ang anak na Sharon Cuneta na si Frankie Pangilinan.

Krimen kasi ang pagbabanta online at paggawa ng malisyosong post laban sa sinuman.

Matatandaang nagsabi ang Megastar sa social media na hahantingin niya si Sonny Alcos o Sonny Co, na umano’y nagkomento online na kung 12 anyos lang ito ay hahalayin si Frankie.

“May directive sa amin si OIC ng NBI para tingnan iyong issue… Tiningnan namin kung saan kami mag-uupisa, anong magiging lead,” wika ni NBI Cybercrime Division chief Victor Lorenzo sa ABS-CBN’s Teleradyo, Lunes.

Aniya, pwedeng maituring ang insidente bilang light threat o unjust vexation, na may parusang mula 6 hanggang 12-taong pagkakakulong sa ilalim ng Cybercrime Prevention Act.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/nbi-iimbestigahan-nangmanyak-sa-anak-ni-sharon/)

Walang komento