Recent Posts

Breaking News

Natulog lang, abswelto na? JV Ejercito nagpatama kay Zamora

Tuloy pa rin ang bangayan ng Zamora-Estrada na mahigpit na magkaribal sa San Juan City.

Binanatan ni dating senador JV Ejercito si San Juan City Mayor Francis Zamora dahil sa umano’y hindi nito pag-ako sa responsibilidad matapos sumuway sa quarantine protocol ng Baguio City noong June 5.

Sa ilang tweet ni Ejercito, sinabi nito na naaawa siya sa mga pulis na sinibak sa pwesto dahil sa paglabag sa quarantine sa Baguio, na aniya’y hindi hahayaan ng isang tunay na leader ang maparusahan ang iba sa kanyang ginawa.

“Really feel sad for these police officers. A true leader will man up and assume responsibility. Police pa ang nadiin,” diin ni Ejercito.

Hindi rin nakatakas ang naging paliwanag ni Zamora na tuloy umano siya sa biyahe nang lumagpas ang kanilang convoy sa checkpoint sa Kennon Road.

“Gen. Sinas, pareho po ba maƱanita at nakatulog sa kotse? Pwede na ma-abswelto? May mali dito,” aniya pa.

Matatandaan na kinumpirma ni Baguio Mayor Benjamin Magalong ang paglabag nina Zamora sa quarantine protocol ng kanilang lungsod matapos na hindi kaagad sumalang sa triage examination na kinakailangan sa lahat ng papasok sa Baguio.

Nagpaliwanag naman si Zamora at sinabing hindi nito intensyon na lumabag sa patakaran ng Baguio, at pinaliwanag na nagpunta sila sa nasabing lungsod para sa kanyang asawa na kailangang magpahinga dahil sa stage 3 breast cancer.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/natulog-lang-abswelto-na-jv-ejercito-nagpatama-kay-zamora/)

Walang komento