Recent Posts

Breaking News

Nanutok ng baril, senior citizen tinaga! Ex-president ng homeowners sa Caloocan, tumawag ng resbak

Naging marahas ang komprontasyon ng mga kasalukuyan at dating officer ng isang homeowners association sa Caloocan City.

Ito’y matapos na magtawag ng back-up si Edwin Malibiran, dating presidente ng homeowners sa Phase 3 BF Homes Deparo sa Barangay 168, at saktan ang ilang mga nakaluklok na opisyal.

Sa report ng ’24 Oras Weekend’, sinabi ng kasalukuyang presidente na nagsimula ang bangayan matapos matanggal ang isang security guard ng Board of Directors, na hindi nagustuhan ni Malibiran at muling pinabalik ang guard na walang paalam sa mga opisyal ng homeowners.

Makikita sa video na sakay si Malibiran ng kotse at nag-dirty finger sa mga opisyal ng asosasyon.

Umalis din si Malibiran, ngunit pagbalik ay may kasama nang tatlo na may dalang mga armas kung saan inatake ang ilang katao.

“Pagbaba pa lang niya ng sasakyan, armado na silang lahat. May itak, may baril. ‘Yung isang mamang matanda na senior, ‘yun ‘yung binugbog nila. So lumapit ako as president, aawatin ko sila. Do’n na kami tinutukan isa-isa ni Mr. Antonio Borbon. Tinutukan kami sa ulo,” ayon sa presidente ng homeowners.

Makikita din kung papaano tinutukan ng isang lalaki ang nagbi-video.

“‘Yung baril nilalapit na sa mukha ko. Buti na lang nasagi ko ‘yung kamay at pumutok. Tapos after that, sinubukan kong agawin ‘yung baril, niyakap ko na siya, pumutok ulit,” lahad ng kumukuha ng video.

Nakapagsampa na ng reklamo ang mga biktima laban kina Malibiran at kasamahan nito ay ngayon ay tinutugis na ng mga pulis.

https://m.facebook.com/groups/771883346160755?view=permalink&id=3640174765998251



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/nanutok-ng-baril-senior-citizen-tinaga-ex-president-ng-homeowners-sa-caloocan-tumawag-ng-resbak/)

Walang komento