Recent Posts

Breaking News

Naga mayor kay Duterte: Suspindehin pagpapauwi ng mga stranded

Nakiusap si Naga City, Camarines Sur Mayor Nelson Legacion kay Pangulong Rodrigo Duterte na kagyat at pansamantalang itigil ang pagpapauwi roon ng mga locally stranded individual.

Sa Facebook kahapon, pinakita ng alkalde ang liham na pinadala niya sa Pangulo na hinihiling na bigyan sila ng awtoridad magpatupad ng border at internal control sa kanilang lungsod.

Hiniling din ni Legacion kay Duterte na payagan silang magpatupad ng mandatory quarantine sa mga overseas Nagueno worker at madagdagan ang kanilang kagamitang pangmedikal.

Coronavirus-free aniya ang Naga City sa loob ng 40 araw, ngunit naantala ito nang umuwi ang mga LSI mula Naic, Cavite at magpositibo sa COVID-19 ang 2 roon. Doon na aniya nahawa ang 2 pang kamag-anak ng mga ito.

Dahil dito, lubhang naapektuhan ang mga limitadong pasilidad at healthcare resource sa lungsod.

Full capacity na anila ang Bicol Medical Center at hindi na kayang tumanggap pa ng bagong COVID-19 patient.

“With this, may we humbly request your good office to temporarily stop sending returnees to Naga as soon as possible,” ayon sa liham.

“Though we care for our returning Naguenos, the city needs time to cope up with the emerging cases of COVID-19, which is now at five in merely three days,” dagdag pa ni Legacion.

Marami na ring probinsya sa bansa ang naghigpit sa mga bumalik nilang residente at OFW matapos sumirit ang mga coronavirus case doon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/naga-mayor-kay-duterte-suspindehin-pagpapauwi-ng-mga-stranded/)

Walang komento