Recent Posts

Breaking News

Mula sa isang buwang sahod na donasyon: Higit 16k pamilya natulungan ng Kamara

Sa pinagsamang donasyon ng mga kongresista ay mahigit na sa 16,000 mahihirap na pamilya sa lungsod ng Maynila at Quezon ang napamahagian ng food supplies tulad ng gulay, manok at isda.

Nakalikom ng sapat na pondo ang Kapulungan mula sa isang buwang sahod na donasyon ng mga kongresista upang pondohan ang mga proyekto bilang supporta sa relief and recovery efforts ng pamahalaan sa mga apektado ng COVID-19 pandemic.

Sa loob ng dalawang buwan ay nakapamahagi na ang Kapulugan ng 4,500 pamilya sa ilang piling Muslim communities sa Manila, habang 1,882 military frontliners naman mula sa Armed Forces of the Philippines (AFP) Joint Task Force National Capital Region (NCR).

Gayundin sa 8,882 tricycle drivers sa 2nd District ng Quezon City, na nawalan ng hanapbuhay noong panahon ng quarantine at 2,598 pamilya na apektado ng ‘special concern lockdown’ sa 6th District ng Quezon City.

Kasabay nito, tiniyak ni House Speaker Alan Peter Cayetano na patuloy ang pagtulong ng Kamara katuwang na rin ang pribadong sektor dahil sa pamamagitan lamang umano nito makakabangon ang buong bansa mula sa pandemya.

“What we want to do is to encourage others to keep helping. Many of our kababayans need help, so ‘wag po tayo magkakaroon ng donor’s fatigue, ‘wag po tayong magsasawa – anything, pwede nating maitulong,” dagdag ni Cayetano.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mula-sa-isang-buwang-sahod-na-donasyon-higit-16k-pamilya-natulungan-ng-kamara/)

Walang komento