Recent Posts

Breaking News

Mt. Kanlaon muling naglabas ng usok, 104 lindol naramdaman

Patuloy ang abnormal na aktibidad sa Bulkang Kanlaon sa nakalipas na 24 oras.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs), naglabas ng usok ang nasabing bulkan na abot sa 300 metro ang taas.

Bukod pa dito ay 104 na volcano-tectonic earthquake din ang naramdaman sa nasabing bulkan simula nitong Lunes.

Isa sa mga lindol ay naitala sa magnitude 3, kung saan ramdam ang Intensity II sa La Carlota City, Negros Occidental.

“These parameters indicate that hydrothermal or magmatic activity is occurring beneath the edifice,” ayon sa Phivolcs.

Samantala, nitong Lunes lang ay 136 naman ang lindol na umuga sa Mt. Kanlaon, dahilan para tutukan ito dahil sa sunod-sunod na abnormal activity.

Inaabisuhan ang mga residente malapit sa bulkan na huwag pumasok sa four-kilometer permanent danger zone ng nasabing bulkan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mt-kanlaon-muling-naglabas-ng-usok-104-lindol-naramdaman/)

Walang komento