Recent Posts

Breaking News

Miro Quimbo ‘tinuli ulo’ ng bebe

Habang nananalasa ang coronavirus pandemic, may pagbabagong naganap sa ikatlong lalaking anak ni dating House Deputy Speaker Miro Quimbo.

Kinalbo siya ng ama.

Sa isang Instagram post ngayong Huwebes, makikita ang instrumentong gumamit ni Quimbo sa paggugupit, at ang pagbawas at tuluyang pag-ubos sa thick wavy hair ng kanyang “bebe.”

Kwento niya, siya ang naggugupit ng buhok ng kanyang panganay na lalaki hanggang edad 6 ito.

“Head circumcision in the time of COVID. I used to cut my eledest son’s hair until he was 6 years old. Tignan natin If I still have the skill,” sambit ng mambabatas.

“Good luck sa atin, son#3,” aniya pa.

May ilan namang netizen na nanghinayang sa “pang-K-pop” na buhok ng bata.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/miro-quimbo-tinuli-ulo-ng-bebe/)

Walang komento