Recent Posts

Breaking News

Miriam College aaksiyunan ‘abuso’ ng mga guro sa mag-aaral

Nalungkot umano ang pamunuan ng Miriam College at nagsimula nang imbestigahan ang mga ulat ukol sa umano’y sexual harassment ng mga guro nito sa kanilang mga estudyante.

Sa isang pahayag kahapon, sinabi ni MC President Ambassador Laura Del Rosario na bubuo sila ng “Justice, Truth, and Reconciliation Institutional Committee” para tutukan at tugunan ang mga kaso ng “inappropriate behavior” ng “ilang lalaking guro” sa Miriam College High School.

Sasailalim din umano ang kolehiyo sa self-criticism para mas lalong maintindihan ang kahulugan ng “restorative justice.”

Matatandaang umugong sa social media ang hashtag #MCHSDOBETTER kung saan kinwento ng mga dati at kasalukuyang estudyante ng MCHS ang umano’y pang-aabuso sa kanila ng mga guro habang nasa paaralan sila.

Karamihan sa mga binanggit ay lalaki, umano’y pedophile at homophobe.

Kaya naman hinimok ni Kabataan Partylist Rep. Sarah Elago ang pamunuan ng MC na “pakinggan ang mga mag-aaral,” “palakasin ang siste ng accountability at prevention ng harassment,” at magsagawa ng imbestigasyon hinggil sa mga paratang.

“We heard and we listened to the pain- anger- frustration-driven Twitter messages on the purported inappropriate behavior of a few male teachers in our High School through the years. It pained us to know that said stories could be told in what we proudly call ‘a caring institution’,” wika ni Del Rosario.

“Please be assured that we have promptly initiated investigation of these reports and will take appropriate steps to resolve the situation.”

“I wish to assure everybody that Miriam College will do better as it moves forward to serve other communities beyond our physical borders, and it will continue to produce graduates who are empowered not for themselves alone, but so they could help the powerless. And in the end, we can truly call ourselves ‘a caring institution’,” aniya pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/miriam-college-aaksiyunan-abuso-ng-mga-guro-sa-mag-aaral/)

Walang komento