Recent Posts

Breaking News

Microsoft magsasara na ng mga tindahan

Inanunsyo ng Microsoft Corporation na permanente na nilang isasara ang lahat ng kanilang mga retail store sa buong mundo.

Ililipat nila ang kanilang retail operation online, ayon sa website ng kompanya.

Mahigit 80 ang tindahan ng Microsoft na mapipilitang isara dahil sa pandemic.

Samantala, iiwan nila ang apat na lokasyon na gagawing Microsoft Experience Centers.

Ito’y sa London, New York, Sydney at Washington.

Siniguro naman ng Microsoft, sa ulat ng The Verge, na walang sibakan ng empleyado ang magaganap dahil dito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/microsoft-magsasara-na-ng-mga-tindahan/)

Walang komento