Recent Posts

Breaking News

Mga underground Chinese clinic, nagkalat pa sa Parañaque

Paniwala ng Parañaque police, mayroon pang mga underground clinic sa kanilang lungsod na ekslusibo lamang para sa mga Chinese.

Sa panayam sa Teleradyo, sinabi ni Parañaque police chief Col. Robin King Sarimento na malaki ang tsansa na may mga illegal pa na clinic sa kanilang lugar dahil na rin sa dami ng Chinese dito.

“Marami nga pong Chinese din na nakatira dito. Siguro mas nagtitiwala iyong mga Chinese na Chinese din ang tumitingin sa kanilang kalusugan,” saad ni Sarmiento.

“Ang problema po, baka hindi naman nasusunod iyong minimum health standard dahil hindi nga rehistrado, hindi naiinspeksyon,” aniya pa.

Noong nakaraang Sabado lamang ay napasok ng mga awtoridad ang isang illegal Chinese clinic sa Parañaque kung saan nakita ang kahon-kahon na medical supply at gamot na pinaniniwalaang ginagamit sa mga COVID-19 patient.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-underground-chinese-clinic-nagkalat-pa-sa-paranaque/)

Walang komento