Recent Posts

Breaking News

Mga residente ng Maynila magkakaroon ng MRIS

Iisyuhan ng ‘Manila Resident Information System (MRIS) ID card’ ang lahat ng residente ng Maynila na gagamitin nila sa transaksiyon sa mga pampubliko at pribadong tanggapan sa siyudad.

Ito ang inianunsiyo ni Manila Mayor Francisco ‘Isko Moreno’ Domagoso kung saan gagamit ang lokal na pamahalaan ng Maynila ng identification system na madaling i-maintain, hanapin at ilagay ang records ng mga residente.

Ang nabanggit na ID ay magiging balido sa loob lamang ng hanggang isang taon.

“Institutionalizing the Manila city identification system will improve the delivery of the basic needs and services in the city, making it faster, more efficient, and more convenient on the part of the residents and stakeholders as well,” ayon kay Moreno.

Ang pagbuo ng MRIS at ang implementing guidelines nito ay napapaloob sa isang city ordinance na iniakda ni second dictrict Councilor Numero Lim at majority floorleader Joel Chua.

Ayon kay principal author Lim, sa pamamagitan ng MRIS ay maitatatag ang isang City Information System at maaaring magamit na basehan ng konseho sa pagbuo ng mga polisiya, programa at mga proyekto para sa kapakanan ng mga residente.

Ayon pa kay Moreno, sakop ng MRIS ang lahat ng residente ng Maynila na nakatira sa lungsod sa loob ng 6 na buwan bago ang aplikasyon.

Ipinaliwanag ni Moreno na kinakailangan na mag-submit sila ng proof of residency gaya ng balidong ID cards, birth certificate, utility bill, proof of lease, pay slip, passport, etc., para maisyuhan ng MRIS card.

Sinabi ni Moreno na siya ang tanging siganatory sa card na may detalye ng seal at logo of Manila; name, photo and signature of bearer; sex; blood type; address; birth date; contact person in case of emergency; name of father, mother, wife, husband and children if any; voters ID reference; date of MRIS issuance and validity at unique identification number.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-residente-ng-maynila-magkakaroon-ng-mris/)

Walang komento