Recent Posts

Breaking News

Mga pulis na nagpositibo sa COVID-19 lumobo sa 579

Lumobo na sa 579 ang kaso ng mga pulis na tinamaan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) matapos na makapagtala ng 60 kaso sa loob lang ng isang araw ayon sa ulat ng Philippine National Police Health Service (PNPHS) ngayong Biyernes.

Base sa datos ng PNPHS, simula dakong alas-6 ng gabi nitong Huwebes ay mula 519 nitong Miyerkules ng gabi ay lumobo sa 579 ang bilang ng kaso ng pulis na may COVID-19 nitong Huwebes ng gabi.

Sa 60 bagong kaso, 22 sa mga ito ay naitala sa Police Regional Office (PRO) 3, 22 iba pa ay naitala sa PRO 7 o Central Visayas Region, 9 sa National Capital Region Police Office (NCRPO), 6 sa National Headquarters sa Camp Crame at isa sa PRO 8.

Nadagdagan naman ng isang pulis ang gumaling para sa kabuuang bilang na 317 habang nananatiling 9 ang nasawi kung saan apat sa huling casualties ay mula sa PRO 7 o Central Visayas Region.

Bukod dito ay mayroon pang minomonitor ang PNPHS na 674 na probable case habang 937 naman ang suspected cases.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-pulis-na-nagpositibo-sa-covid-19-lumobo-sa-579/)

Walang komento