Recent Posts

Breaking News

Mga provincial bus umiiyak na malugi

Hindi pa man pinapayagang bumiyahe, umiiyak na at natatakot malugi ang mga operator ng provincial bus sa ilalim ng mga bagong patakaran kapag pinayagan na silang muling makabiyahe sa pinaluwag na coronavirus lockdown.

Ayon kay Alex Yagie, executive director ng Provincial Bus Operators Association of the Philippines, kalahati lamang ang maisasakay ng mga provincial bus na pinagpaplanuhan din ng gobyernong pagbawalan na makapasok sa Metro Manila.

“Kahit anong kwenta namin sa 50 percent, hindi kikita,” ayon kay Yague.

Bukod pa ang karagdagang pasanin na kinakailangan pa nilang mag-install ng online payment system, thermal scanner at foot bath para sa mga pasahero.

“Maraming gastos po iyan. Nangangapa kami. Lahat po ng mga bus company, maliit man o malaki, talagang umiiyak na po,” dagdag pa ni Yague.

Samantala, iminungkahi ni Yague sa pamahalaan na mabigyan ang mga operator ng fuel subsidy at ipagpaliban ang planong Metro Manila ban para sa mga provincial bus.

Ito ay para umano makaluwag kahit papaano ang mga operator at huwag munang mawalan ng trabaho ang mga empleyado.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-provincial-bus-umiiyak-na-malugi/)

Walang komento