Recent Posts

Breaking News

Mga nakakaranas ng depresyon tulungan – Go

Kailangang pag-ibayuhin ng Department of Health at maging ng Department of Social Welfare and Development ang psychological assistance sa mga indibiduwal na mayroong mental health issues.

Ginawa ni Senador Christopher Lawrence “Bong” Go ang panawagan sa gitna ng pandemic na kinakaharap ng bansa, dapat hindi rin mapabayaan ang mental health ng mga tao.

“In this time of pandemic, we should also ensure that mental health is valued, promoted and protected. Aside from physical health, ‘yung mental health, napaka-importante rin po,” sabi nito.

Ipinaliwanag ni Go na marami ang nadi-depress dahil sa sitwasyon ngayon tulad ng mga OFW na nalulungkot dahil sa napakatagal na malayo sa pamilya.

“Marami pong nade-depress dahil sa sitwasyon ngayon. In fact, nakakalungkot ang mga OFWs natin, napakatagal na napalayo sa kanilang pamilya. Alam ninyo, hindi nababayaran ‘yung lungkot. Napakahirap mapalayo sa pamilya,” anang senador.

Bagama’t sinabi ni DSWD Secretary Roland Bautista na nagtutulungan na ang kanilang ahensiya at DOH sa pagtugon sa tumataas na bilang ng mga Pinoy na komokunsulta sa mental health, sinabi ni Go na naniniwala siyang mas marami pang magagawa ang gobyerno para sa mga ito.

Kabilang dito ang expansion ng umiiral na mental health services, pagpapapalawak ng kaalaman sa mental health issues at pagtugon sa mga barrier tulad ng stigma, access at inconvenience na pumipigil sa mga tao para magpakonsulta.

Sabi ni Go, dapat samantalahin at gamitin ng mga ahensiya ang online platform gaya ng social media at iba pang teknolohiya para makapagbigay ng libre at mas malawak na access sa mental health care at psychological support.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-nakakaranas-ng-depresyon-tulungan-go/)

Walang komento