Recent Posts

Breaking News

Mga maliliit na negosyo, pwede umutang ng abot P500K

Para muling makapagsimula ang mga micro at small business, naglaan ng pondo ang Department of Trade and Industry para sa kanilang government-run corporation.

“Naglaan po ang Small Business Corporation ng P1.6 billion para sa CARES program,” ayon kay Ma. Luna Cacanando, ang president at CEP ng Small Business Corp.

Sa ilalim ng CARES program o ang COVID-19 Assistance to Restart Enterprises, maaaring makapangutang ang mga maliliit na negosyo ng abot sa P200,000 hanggang P500,000.

Para sa mga tinuturing na micro business na may asset size na P3 million ipagkakaloob ang P200,000 loan.

Habang sa mga small business na may asset size ng abot sa P15 million ay maaring makakuha ng P500,000 na utang.

Kailangan lamang na nakapag-operate na ang mga negosyo ng isang taon bago mag-lockdown, at balido ang business registration mula noong March 15, 2020.

Ang nasabing loan ay may interes na 2.2 percent kada taon na babayaran ng 30 buwan, at may grace period din na 6 months.

Ayon kay Cacanando, abot na sa 10,000 na mga business owner ang nag-apply sa nasabing programa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-maliliit-na-negosyo-pwede-umutang-ng-abot-p500k/)

Walang komento