Recent Posts

Breaking News

‘Mga guro ng Miriam College, pedophile!’

Ayon sa mga dati at kasalukuyang estudyante ng Miriam College, nakaranas sila ng sexual harassment mula sa kanilang mga guro.

Nitong Miyerkoles Hunyo 24, nagsimulang umugong ang hashtag #MCHSDOBETTER kung saan binahagi ng mga mag-aaral ang umano’y pang-aabuso sa kanila ng mga guro habang nasa paaralan sila.

Ang iba pa’y nilantad ang ngalan ng tinutukoy nilang “pedophile”–isang matanda na may mental health disorder kung saan sexually attracted siya sa isang bata–o “homophobe”–mga may sobrang takot o poot sa mga homosexual.

Karamihan sa mga binanggit ay lalaking guro.

Sinuportahan naman ni Frankie Pangilinan ang mga estudyante na nilalantad ang umano’y sexual abuse. Si Frankie ang nagpasimuno ng #HijaAko kung saan hinihikayat ang madla na labanan ang victim blaming.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-guro-ng-miriam-college-pedophile/)

Walang komento