Recent Posts

Breaking News

Mga doktor pinatulong sa Cebu

Tumugon ang Department of Health at ang Armed Forces of the Philippines sa panawagan ng Cebu City na damihan pa ang kanilang mga COVID-19 medical frontliner.

Nitong Linggo, naghatid ang AFP ng 32 health worker sa nasabing lungsod.

Dinala via C130 aircraft ang kanilang “Task Group Central” na binubuo ng siyam doktor, 10 nars at 13 medical aide.

Samantala, 29 doktor mula sa Doctor to the Barrios program (DTTB) at 11 iba pa mula sa Post-Residency Deployment Program (PRDP) ng DOH ang hinatid sa Cebu City, ayon kay DOH director for Western Visayas Marlyn Convocar.

Ang mga nabanggit na doktor na pinadala ng DOH ay naunang naninilbihan sa mga rural na pamayanan sa Western Visayas.

Ipadadala ang mga ito sa apat na batch mula Hunyo 30 hanggang Setyembre 15 at pansamantala lang na aasiste sa COVID-19 response sa lungsod.

Ngunit dismayado ang ilan sa mga pinadalang doktor ng DOH dahil hindi umano sila maayos na in-inform tungkol sa bago nilang gawain.

Sa isang joint statement na pinost sa Facebook, pinulaan ng DTTB Batches 36 (Alab) at 37 (Mandala) ang desisyon ng DOH na i-deploy ang kanilang mga kasapi.

“Abrupt” at “exploitative” umano ang hakbang na umano’y hindi maayos na kinonsulta sa mga kaukulang lokal na gobyerno at DTTB mismo.

Wala rin umanong sinaad na alituntunin at protocol para mapangalagaan ang mga ililipat na doktor.

“The DTTBs and the local chief executives should have been represented in decision-making involving this temporary reassignment. Failing to do so makes such directives exploitative for doctors and inconsiderate for the communities that they serve,” ayon pa sa joint statement.

Samantala, naunang binatikos ng madla ang Joint Task Force COVID Shield matapos nitong magpadala ng 150 tauhan ng Special Action Force (SAF) sa Cebu City, kung kailan sobrang nangangailangan ng mga healthcare worker at hindi pulis.

Halos sanlibo na ang mga police officer na hinatid sa lungsod para ipatupad ang enhanced community quarantine doon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-doktor-pinatulong-sa-cebu2/)

Walang komento