Recent Posts

Breaking News

Mga dayuhang negosyante, posibleng payagan sa MGCQ area

Posibleng pagbuksan na sa mga dayuhan na business traveller ang bansa para sa mga lugar na nasa ilalim ng modified general community quarantine (MGCQ).

Ayon kay Tourism Undersecretary Bong Bengzon, nakikita niya na pwede nang papasukin ang mga negosyanteng banyaga sa bansa, ngunit kailangan pa ang approval mula naman sa Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases.

“Pagdating ng modified GCQ, pwede nang payagan, basta siyempre the assumption is meron na ring pahintulot galing sa ating mga health authorities na papasukin itong mga dayuhang ito,” saad ni Bengzon sa dzBB.

Karamihan sa mga lugar sa Pilipinas ay nasa ilalim na ng MGCQ, maliban sa Cebu City na binalik sa enhanced community quarantine, at iba pang area tulad ng Metro Manila na nasa GCQ naman.

“Kapag pumasok ‘yan dito, siyempre makikinabang ang ating mga tourism establishments na talaga namang kailangan nating tulungan dahil karamihan sa kanila ay nawalan ng negosyo nitong nakaraang tatlong buwan,” aniya pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-dayuhang-negosyante-posibleng-payagan-sa-mgcq-area/)

Walang komento