Recent Posts

Breaking News

‘Mga Chinese VIP sa LTO’

Nilantad ng isang Chinoy ang pag-aalok ng isang Tsino ng Philippine diver’s license kahit pa hindi kailangang pumunta in person.

Sa Reddit thread ni user HalfChineseHalfTito, makikita ang post ng isang Ziyang Xu sa isang Chinese Facebook group.

Sa translation, mababasa na naglalako ito ng Pinoy driver’s license na may kasama pang international driving license at school car proof.

“No need to go in person” daw, at kailangan lang ibigay ang mga kaukulang bagay gaya ng passport photo at larawan ng pirma.

“Custom Entry System based on immigration information, done on the day!,” wika pa ng nag-post.

Naglakip pa ito ng larawan ng Pinoy professional driver’s license ng isang Xiaolong Miao na pirmado ni LTO Assistant Secretary Edgar Galvante at may expiration date na Hunyo 2024.

Sa comments section, nagbahagi pa ng karanasan ang ibang Pinoy tungkol sa umano’y pagiging prayoridad ng mga dayuhan sa bansa.

“I was in Makati City Hall last week to process some forms and there were few Chinese who were prioritized in the screening area. I asked the people from the city hall kung bakit may sariling pila ang mga Chinese and they can’t answer me,” kwento ng isa.

“I hear it’s generally “easy” to get DLs in the Philippines if you’ve got money? My fil-am cousins who split their time in USxPH got theirs very quickly too. In the US it’s difficult to bribe our dept of transpo,” ayon pa sa isa.

“Not surprising with LTO. I hate to admit, I have to pull some strings so that I don’t deal with the stupid quota system they do every day, wasting the applicant’s time of having to wake up 4 in the morning and pray to god you get a slot in the fucking exam,” wika ng isang netizen.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mga-chinese-vip-sa-lto1/)

Walang komento