Recent Posts

Breaking News

Mensahe ni Duterte sa Araw ng Kalayaan: Magkaisa vs COVID!

Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pagkakaisa sa mga Pilipino para mapuksa ang problema ng COVID-19 sa bansa.

Ayon kay Duterte, na nanatili sa Davao para ipagdiwang ang Araw ng Kalayaan, dapat ay gayahin ng mga Pinoy ang katapangan ng mga bayani ng Pilipinas para maharap ang health crisis.

“As we wage united battle against Covid-19, we now have the opportunity to demonstrate that we possess the same gallantry of spirit and the nobility of character as the heroes of our past. Let us now move forward with courage, hope, and optimism as we overcome this pandemic,” ayom sa Pangulo.

Kanya ring inalala ang mga ginawa ng mga ninuno para makamit ng Pilipinas ang kasarinlan.

“122 years ago, our forefathers proudly proclaimed the birth of the Filipino nation. Today, we honor them for their bravery, heroism, and sacrifice, as well as we thank them for the gifts of democracy and freedom,” aniya pa.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mensahe-ni-duterte-sa-araw-ng-kalayaan-magkaisa-vs-covid/)

Walang komento