Recent Posts

Breaking News

Maymay type maka-collab ng US R&B group

May bagong single nga si Maymay Entrata, ang I Love You 2, na iri-release na bukas (June 26), at mapapakinggan na sa lahat ng digital platforms tulad ng iTunes, Spotify, Amazon, at iba pa.

At sa kanyang Instagram nga ay nag-promote si Maymay na suportahan at abangan ng kanyang mga fan ang bago niyang single.

Pero, ang mas bongga ay ang simpleng comment ng Final Draft (4finaldraft) na emoticon ng ‘fire’. Meaning, super hot ang dating ni Maymay sa kanila.

At may isang fan na nagsabing; “Pls do a collab with Maymay!”

At bongga, dahil agad-agad ding sumagot ang Final Draft na; “We waited on her!”

Bongga, di ba? Si Maymay ay bet maka-collab ng isang American R&B group.

Base sa kanilang bio, ang Final Draft ay singing group based sa Atlanta, GA, at sumabak nga sa mga pakontes na tulad ng NBC’s America Got Talent Season 12, at naglunsad ng kanilang single na “About You” sa The Wendy Williams Show.

Ang Final Draft ay binubuo nina Lucky, Voice, Divine. Ang Final Draft ay kilala dahil sa kanilang impeccable vocal range, smooth melodies, amazing harmonies, and classic acapella.

Ilan sa mga kinanta ng Final Draft ay “Beautiful”, “Moca Lotion”.

BrightWin kinababaliwan ng mga Pinoy

Makakasama ng mga Pinoy fan ang mga bida ng sikat na Thai series na “2gether” na sina Bright Vachirawit at Win Metawin sa unang live interview nila sa Pilipinas ngayong Biyernes (June 26), 4 PM sa iba’t ibang digital platforms ng ABS-CBN.

Siguradong siksik sa kilig at saya ang usapan dahil sasagutin mismo nina Bright at Win ang piling mga tanong ng fans sa Twitter.

Mapapanood ang “BrightWin Live” nang libre sa ABS-CBN Entertainment YouTube, Facebook, at Twitter accounts, sa iWant app at Facebook page nito, at sa Facebook accounts ng Dreamscape Entertainment, Kapamilyanovelas, at Asianovela Channel.

Ang “2gether The Series” ang pinakaunang Tagalized Thai series sa bansa at mapapanood na ng libre sa iWant simula ngayong Linggo (June 28). Iikot ang kwento nito kina Tine at Sarawat, dalawang college students na magkukunwaring magkasintahan at mahuhulog ang loob sa isa’t isa.

Simula noong Pebrero, naging instant hit na ang romance-comedy series sa social media at umani ng maraming Pinoy fans para sa tandem nina Bright and Win dahil sa malakas nilang chemistry.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/maymay-type-maka-collab-ng-us-rb-group/)

Walang komento