Recent Posts

Breaking News

Maxene nang-akit para sa donasyon

Layunin ngayon ng artist agency na Star Magic na makalikom ng pondo upang makatulong sa mga kapuspalad ngayong pandemya.

Sunud-sunod na nag-post ang kanilang mga hinahawakang artista tungkol sa proyektong isinasagawa nito ngayon.

Isa sa pinakahumakot ng atensiyon ng mga netizen ay ang entry ng aktres na si Maxene Magalona dahil sa super sexy na entry nito, kumpara sa iba na simple o cute lamang.

Naka-half white polo at bikini panty lang kasi ito habang nakaupo’t nagbabasa ng libro.

Mukha namang effective ang pa-sexy entry ng aktres dahil sa dami ng nag-comment na magdo-donate sila.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/maxene-nang-akit-para-sa-donasyon/)

Walang komento