Recent Posts

Breaking News

Mas mahigpit anti-terror sa Australia! Lacson bumanat kay Catriona

Humirit si Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson kay Miss Universe 2018 Catriona Gray, na isa sa mga kritiko ng Anti-Terrorism Act of 2020.

Ayon kay Lacson na ilan umano sa mga laman ng panukalang batas na isa ang mambabatas sa author ay galing sa anti-terrorism law ng Australia.

“With all due respect kay Miss Universe Catriona Gray, di ba Australian siya? E kumokontra rin siya pero batas sa Australia mas matindi sa batas natin. Hinango natin ang ibang portion ng batas sa Australia pinapatulong namin dito,” paliwanag ni Lacson sa dzRH.

Si Catriona ay ipinanganak sa Cairns, Queensland sa Australia bago nakilala sa Pilipinas.

Ayon kay Lacson, nakipagkita pa umano siya sa ilang mambabatas sa US at Australia habang ginagawa ang anti-terrorism ball.

“We cannot do it alone because yan ang universal standard,” ayon kay Lacson.

Ang anti-terrorism bill ay ipapasa na kay Pangulong Rodrigo Duterte ngayong araw para desisyunan kung magiging ganap na batas na ito, ayon kay Senate President Vicente ‘Tito’ Sotto III.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/mas-mahigpit-anti-terror-sa-australia-lacson-bumanat-kay-catriona/)

Walang komento