Recent Posts

Breaking News

‘Magic stop light’ sa Maynila, gatasan ng mga miyembro ng MTPB

Ginagawa umanong gatasan ng mga nangongotong na miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang isang ‘Magic stop light’ na matatagpuan sa panulukan ng Abad Santos Avenue at Antipolo St., Blumentritt, Maynila.

Nabatid na isang netizen, na ‘di na nagpabanggit ng kanyang pangalan, ang nagreklamo sa Abante at Tonite dahil nabiktima ng naturang ‘Magic stop light’ noong Biyernes ng gabi, kung saan unang hiningi sa kanya ay P500. Pero dahil sa P200 lamang daw ang pera niya sa bulsa ay iyon na lamang ang ibinigay sa mga kotongerong MTPB.

Naganap umano ang insidente dakong alas-10 ng gabi noong Biyernes sa nabanggit na lugar.

Nalaman sa motorista na naka ‘Go’ umano ang traffic light at nasa 12 seconds ang traffic light nang biglang mag ‘yellow’ pagtawid sa nabanggit na lugar.

Kasunod nito ay pinara na siya ng dalawang miyembro ng MTPB na ang isa ay mataba habang ang isa naman ay maliit na nag-aabang nang mahuhuling violator sa lugar.

Wala naman umano siyang magawa dahil pilit siyang inaakusahan ng ‘beating the red light,’ gayun nasa 12 seconds pa ang nakalagay sa traffic light bago mag-yellow light.

Nabatid na marami na umanong nabiktima ang naturang mga kotongerang MTPB na motorist.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/magic-stop-light-sa-maynila-gatasan-ng-mga-miyembro-ng-mtpb/)

Walang komento