Recent Posts

Breaking News

Locsin: Mga bogus buyer ikulong, batuhin ng order sa mukha!

Nainis si Foreign Affairs Secretary sa isang nag-viral na Facebook post kung saan napaiyak umano ang isang rider nang kanselahin ang dalawang order na bike na nagkakahalaga ng P6,000 ang isa.

Ayon kay Locsin, marapat lang na maparusahan na ang mga bogus na buyer para magtanda.

Ilan sa suhestiyon ni Locsin ay ang pagkakakulong ng abot sa anim na taon at multa na P100,000.

Bukod pa diyan, nais din ng kalihim na batuhin sa mukha ang mga bogus buyer ng kanilang inorder.

https://twitter.com/teddyboylocsin/status/1271229964487061504?s=19

Ayon naman kay dating Senador JV Ejercito, dapat nang makagawa ng batas para maparusahan ang mga nanloloko sa mga delivery rider.

“A law should be passed. These heartless people who cancel orders should be penalized,” saad ni Ejercito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/locsin-mga-bogus-buyer-ikulong-batuhin-ng-order-sa-mukha/)

Walang komento