Recent Posts

Breaking News

Locsin kay VP Leni: Tama na reklamo!

Sinagot ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. ang pahayag ni Vice President Leni Robredo na kinukuwestiyon ang ilang polisiya ng administrasyong Duterte sa COVID-19 crisis.

Sa tweet ni Locsin, sinabihan nito si Robredo na ihinto na ang pagrereklamo matapos kuwestiyunin ang pagdami ng militar sa Cebu City.

“Please stop complaining. Please. New Zealand has turned to the military as well. It is about getting things done at all and fast without civilian bungling especially those who wear white gowns. Please, please. Tama na ang reklamo,” ani Locsin.

Kaugnay ito ng utos ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Environment and Natural Resources Secretary Roy Cimatu na tingnan ang COVID-19 response sa Cebu City.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/locsin-kay-vp-leni-tama-na-reklamo/)

Walang komento