Recent Posts

Breaking News

LGBT leader dinampot sa Mendiola rally

Dinampot ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang lider ng LGBT at may 20 miyembro nito matapos ang isinagawang kilos protesta, kanina sa Mendiola, Maynila.

Dinala sa Manila Police District-General Assignment and Investigation Section (MPD-GAIS) ang LGBT group sa pangununa ni Rey Valmires Salinas para sa imbestigasyon at pagsasapa ng kaso.

Nabatid na dakong 11:40 ng umaga nang mag-rally sa Mendiola ang grupo ng ‘Pride March Protesters’ upang igiit ang kanilang karapatan.

Unang nagkagirian ang mga pulis at ang grupo ng LGBT, kasunod nito ay dinala na ang grupo sa presinto.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Bayanihan Heal as One Act ang grupo kaugnay sa probisyon na may kinalaman sa pagbabawal ng mass gathering.

Samantala, kinondena ni Bayan Muna Rep. Eufemia Cullamat ang isinagawang dispersal at illegal na pag-aresto sa mga nagprotesta.

Iginiit ni Cullamat na mapayapa naman umanong isinagawa ang protesta at sinunod ang mga heath protocol ng grupo kaya walang basehan ang pag-aresto sa mga ito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lgbt-leader-dinampot-sa-mendiola-rally/)

Walang komento