Recent Posts

Breaking News

LeBron vs Giannis sa NBA Finals!

Sa poll na kinasa ng ESPN, malinaw na kung sino ang maghaharap sa Finals sa oras na magsimula ang suspendidong 2019-20 NBA season.

Sa prediction para sa Eastern Conference Finals, sigurado na ang mga NBA aficionado na papasok ang Milwaukee Bucks ni Giannis Antetokounmpo na nakakuha ng 100-percent ng boto.

Malabo pa naman ang posible nilang makaharap para sa Eastern supremacy, naglalaban-laban ang Boston Celtics (41.2%), defending champs Toronto Raptors (32.4%) at Philadelphia 76ers (23.5%).

Samantala, sa Western Conference Finals naman ay dalawang koponan lang ang nagbabadya na magkaharap sa dulo — ito ay ang dalawang LA-based squad na Lakers at Clippers.

Namumuro ang koponan ni LeBron James na may 97.1 percent ng mga boto, habang ang two-time NBA champion naman na si Kawhi ay may tsansa sa bagong koponan na Clippers na kumuha ng 85.3 percent.

Para naman sa NBA Finals, ang dalawang do-it-all forward na sina LeBron at Giannis ang may malaking tsansa na magkaharap sa dulo para sa Larry O’Brien trophy.

88.2 percent ang tsansa na makaabot ang Bucks sa Finals, habang 61 percent naman para sa Lakers, ngunit nagbabadya ang dark horse na Clippers na may 38.2 percent.

Tiwala naman ang karamihan na masusungkit ni LeBron ang kanyang ika-apat na kampeonato sa liga kung saan 50 percent ang tingin ay ang Lakers ang magkakampeon, mas higit sa 26.5 percent ng Bucks at ni Giannis na posibleng makaabot sa tuktok sa kauna-unahang pagkakataon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lebron-vs-giannis-sa-nba-finals/)

Walang komento