Recent Posts

Breaking News

Lampas 700 preso tinamaan ng COVID

Hindi nakaligtas ang mga inmate sa ilang kulungan sa bansa sa COVID-19.

Ayon sa Bureau of Jail and Management Penology (BJMP), nasa 745 na inmate at 125 na tauhan sa mga kulungan ang tinamaan ng new coronavirus.

Sa nasabing bilang, 388 na preso ang gumaling na habang anim naman ang nasawi. habang sa mga jail personnel naman ay 65 na ang nakarekober at walang namatay sa COVID-19.

Sa ngayon ay bawal pa rin ang pagbisita sa mga preso, at tanging online lang ginagawa ang visitation dahil na rin sa banta ng virus.

Nagbibigay din ng mga bitamina at face mask sa mga nasa loob ng selda, gayundin ang araw-araw na pag-disinfect para maiwasan ang pagkalat ng covid-19 sa mga kulungan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lampas-700-preso-tinamaan-ng-covid/)

Walang komento