Recent Posts

Breaking News

Lampas 100 lindol umuga sa Mt. Kanlaon

Pinag-iingat ang mga residente na malapit sa Mt. Kanlaon dahil sa abnormal na paggalaw ng lupa sa nasabing bulkan.

Ayon sa bulletin na nilabas ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) alas-8 ng umaga nitong Lunes, nasa 136 na volcano-tectonic earthquake ang naramdaman sa bandang kanluran ng bundok sa nakalipas na 24 oras.

Apat sa mga lindol ay naitala sa pagitan ng magnitude 3.2 at 4.7.

Dahil dito’y naramdaman ang Intensity II hanggang V sa La Carlota at Bago City sa Negros Occidental, gayundin sa Canlaon City sa Negros Oriental.

Bukod pa dito, nagpakawala din ng steam o singaw ang Mt. Kanlaon na may taas na 200 meter.

Matatandaan na tinaas ang Alert Level 1 sa nasabing bulkan noong Marso dahil sa pagsisimulang mag-alburoto nito.

Inabisuhan ang mga residente na umalis sa 4-kilometer permanent danger zone dahil sa posibleng pag-erupt ng bulkan, gayundin sa mga piloto na huwag lumapit sa summit ng Mt. Kanlaon.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lampas-100-lindol-umuga-sa-mt-kanlaon/)

Walang komento