Recent Posts

Breaking News

Lacson gusto magpaliwanag kay Robredo sa anti-terror bill

Handa umano si Senador Ping Lacson na ipagtanggol ang anti-terrorism bill kay Bise Presidente Leni Robredo.

Ito’y matapos malaman ng nauna ang pahayag ng huli na ang pre-trial detention na probisyon ng naturang panukalang batas na pwedeng umabot hanggang 24 araw ay labag sa Konstitusyon.

“I am all-out against terrorism, pero itong bagay na ito is very objectionable because it is bound to be abused,” wika pa ni Robredo sa isang panayam.

“Madam Vice President, if you will give me the opportunity, I am willing to explain to you and anyone you want to invite to listen why the Anti Terrorism Bill is not violative of the Constitution,” tweet naman ni Lacson ngayong Biyernes ng umaga.

Tugon ng mga netizen, dapat ding magpaliwanag ang senador kay retired Supreme Court senior associate justice Antonio Carpio.

Una nang sinabi ni Carpio na isang “very defective” measure ang ATB na may “many unconsitutional provisions.”

Isa rin aniya siya sa mga petitioner na hahamunin ang panukala sa Korte Suprema, sakaling maisabatas na ito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lacson-gusto-magpaliwanag-kay-robredo-sa-anti-terror-bill/)

Walang komento