Recent Posts

Breaking News

Lacson: Anti-terror bill pwede pa i-veto ni Duterte

Maaring mamagitan ang Department of Justice sa anti-terror bill kung saan pwedeng nilang payuhan si Pangulong Rodrigo Duterte na i-veto ang naturang panukalang batas.

Ito ang sinabi ni Senador Panfilo Lacson, isa sa principal author ng anti-terrorism bill sa Senado, dahil hindi na maaring pang bawiin ang ginawang pag-apruba ng Kamara sa nasabing panukala.

Noong nagdaang linggo inaprubahan sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang anti-terror bill matapos itong sertipikahan bilang urgent ni Duterte.

Subalit ilang araw matapos itong aprubahan, 20 mambabatas ang umatras sa listahan ng mga author.

“I don’t think (it can be recalled) because they have voted on it. It was passed on third and final reading and I believe today, it’s going to be an enrolled bill to be submitted to MalacaƱang for the President to either veto, or approve or just make it lapse into law after 30 days,” pahayag ni Lacson sa panayam sa ABS-CBN.

Subalit maari namang payuhan ng DOJ ang President na i-veto ang bill.

“The DOJ can still interfere by advising the President to veto the bill altogether. Because remember, this is not a revenue measure nor is it a budget measure, so there’s no line item veto here. Either the President vetoes the bill in whole, not in part, or he approves it,” ani Lacson.

Itinanggi naman ni Lacson na wala naman pag-abuso ginawa sa pagbuo ng nasabing panukala lalo na depinisyan ng terorismo.

“There’s no vagueness in the crafting of the bill or in the definition of terrorism itself, because it is clearly defined. There are delimitations,” ayon kay Lacson.

“And then at the latter part, we added a proviso that emphasizes the observance or adherence to the Bill of Rights,” sambit pa nito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lacson-anti-terror-bill-pwede-pa-i-veto-ni-duterte/)

Walang komento