Recent Posts

Breaking News

Lacierda: Ano kasalanan ni Ninoy sa COVID?

Kinuwestiyon ng presidential spokesperson ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang pagtutulak ng tatlong mambabatas na palitan ang pangalan ng Ninoy Aquino International Airport sa gitna ng COVID-19 pandemic.

“Mawalang galang na po, ano ang kasalanan ni Ninoy Aquino sa Covid pandemya na kinailangang palitan ang pangalan ng paliparan natin sa dami ng problema ngayon?,” usisa ni Edwin Lacierda sa Twitter ngayong Biyernes.

Naghain kamakailan sina presidential son Paolo Duterte, Marinduque Rep. Lord Allan Jay Velasco at ACT-CIS Representative Eric Go Yap ng panukalang batas para gawing ‘Paliparang Pandaigdig ng Pilipinas’ ang ngalan ng naturang airport, na sinunod sa pinaslang na Senador Ninoy Aquino.

Paliwanag pa ni Duterte, hindi dapat mahaluan ng politika ang pangalan ng nasabing paliparan. Marapat din aniyang palitan ito gamit ang wikang Filipino.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/lacierda-ano-kasalanan-ni-ninoy-sa-covid/)

Walang komento