Recent Posts

Breaking News

KZ Tandingan, TJ Monterde next year na kasal

Inusog ng singer couple KZ Tandingan at TJ Monterde ang plano nilang pagpapakasal ngayong taon.

Dahil sa COVID-19 pandemic, wika ni Monterde sa Push, maaantala ang kasalan kahit pa 70 percent nito ay planado na.

Maglalabas din dapat sila ng mga bagong kanta sa mismong araw ng kasal nila, pero pati iyon ay ipagpapaliban.

“Totally, as in move na talaga. I proposed December, January we planned agad. She’s the planner out of the two of us. Siguro mga nasa mga 70% na kami ng planning,” wika ni TJ.

“Nakausap na namin ‘yung coordinator, everybody nakausap na namin. Parang 30% na lang then execution kaya na. Pero ‘yun nga, this happened so we had to move it to next year kasi flights aren’t possible yet and then the venue,” paliwanag pa niya.

January 2015 nagsimula ang relasyon nina KZ at TJ.

Na-engage sila noong 2019.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kz-tandingan-tj-monterde-next-year-na-kasal/)

Walang komento