Recent Posts

Breaking News

Kim Domingo gaya-gaya kay Jaclyn Jose

Role model ni Kim Domingo ang award-winning veteran actress na si Jaclyn Jose. Ang 2016 Cannes International Film Festival Best Actress daw ang tinitingala niya sa showbiz industry.

Dahil nga dito ay sinusubukan niyang sundan ang mga yapak ni Jaclyn. Una na rito ang desisyon niya na iwan ang imahe ng pagiging sexy star. “Inunti-unti ko siya. Inuna ko siyempre, hindi na ako nagpo-post ng mga sexy photo tapos ‘yung pananamit ko, hindi na rin ako masyado nagsusuot ng mga revealing clothes,” sabi ni Kim.

Naging motivation din niya ang payo na nakuha mula kay Marian Rivera na nakatrabaho niya noon.

“Sabi niya, ‘Kung saan ka masaya, kung saan ka mas kumportable, ‘yun ‘yung gawin mo. At saka maganda nga ‘yan na mayroon ka pang ibang ipapakita,” kuwento pa ni Kim. (Dondon Sermino)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kim-domingo-gaya-gaya-kay-jaclyn-jose/)

Walang komento