Recent Posts

Breaking News

KC, Gabby may hinahandang pasabog sa YT

Hindi nakalimutang batiin ni KC Concepcion ang dalawa niyang ama, sina Gabby Concepcion at Sen. Kiko Pangilinan, nitong Father’s day.

Base sa post ni KC, si Sen. Kiko raw ang naghubog sa kanya para maging isang responsablebg tao at masinop sa pera. Si Sen. Kiko rin daw ang nagsilbing ama niya noong nasa Boston sila naninirahan.

Sobrang taas ng respeto ni KC kay Kiko.

Si Gabby naman ay itinuring na isang kaibigan na nakakapalagayan niya ng loob at laging nagbibigay positive vibes sa kanya tuwing siya ay “heartbroken”. Hindi man daw sila madalas magkita, lagi naman silang nagkakausap. Happy pill nga ang turing niya kay Gabby.

Say ni KC, tawang-tawa raw siya sa YouTube channel ng kanyang ama. At nakatakda raw silang mag-brainstorming para sa channel naman ni KC. At dapat daw abangan `yon dahil magandang pasabog nga raw `yon. (Rey Pumaloy)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kc-gabby-may-hinahandang-pasabog-sa-yt/)

Walang komento