Recent Posts

Breaking News

Kawani COVID positive, LTFRB central office sarado muna

Suspendido ngayong Lunes, Hunyo 29, ang operasyon ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) Central Office sa Quezon City para sa disinfection.

Ito’y matapos magpositibo sa coronavirus ang isa sa 313 kawani nito, na sumailalim noong nakaraang linggo sa COVID-19 rapid testing.

Kaugnay nito, sinabi ng LTFRB na maaantala ang ilan nilang serbisyo, kabilang ang 24/7 Public Assistance Complaints Desk 1342.

Inabisuhan nilang gawin online ang pag-request sa special permit; pagtama ng typographical error; pag-request ng kumpirmasyon ng unit; pag-request ng franchise verification; pag-request ng issuance o extension provisional authority; at pagtatanong sa hearing schedule o status.

Gayunman, magpapatuloy anila ang kanilang serbisyo sa Metro Manila area via Public Transport Online Processing System.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kawani-covid-positive-ltfrb-central-office-sarado-muna/)

Walang komento