Recent Posts

Breaking News

Kaso ng COVID-19 sa Quezon City sumirit sa 2,452

Umabot sa bilang na 2,452 ang kaso ng novel coronavirus sa lungsod ng Quezon base sa datos ng Department of Health.

Sa pinakahuling bulletin ng lungsod, iniulat nito na 38 ang bagong kaso na gumaling kung kaya’t may kabuuuang 1,179 na lahat ang gumaling, at ang namatay ay 197.

May 2,285 na ang navalidate ng Quezon City Epidemiology and Surveillance Unit and district health offices at 909 ang kinukunsiderang aktibong kaso sa lungsod.

Ang Barangay Batasan Hills ang siya pa ring may pinakamaraming kaso ng COVID-19 sinundan ng Culiat 100 at Bahay Toro na 93.

Sa anim na distrito, ang District 4 ang may pinakamataas na kaso na may naitalang 640.

Ang ilang lugar sa lungsod gaya ng Sitio Militar sa Bahay Toro, Calle 29 sa Libis at Homart Road sa Baesa ay nasa ilalim pa rin 14-day special concern lockdown dahil sa mataas na kaso ng COVID-19.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kaso-ng-covid-19-sa-quezon-city-sumirit-sa-2452/)

Walang komento