Recent Posts

Breaking News

Kamara: Pondo pambili ng COVID-19 vaccine ilalaan sa 2021 budget

Ang paglalaan ng pondo para sa pagbili ng COVID-19 vaccine ang isa sa pangunahing ilalaan ng Kamara sa proposed 2021 budget.

Ayon kay Speaker Alan Peter Cayetano sa isusumiteng P4.3-trilyon proposed budget ng pamahalaan para sa sa susunod na taon , kailangan may ilalaan nang pondo para sa vaccine.

“We can label it as COVID-related programs so that if the vaccine is not yet available, they can use the money for testing or procurement of medical supplies. They won’t have to go back to Congress for additional appropriation,” ayon kay Cayetano.

Mas mainam na umanong may nakahanda ng pondo para sa bakuna dahil kapag nagkaroon na maaring hindi pumayag ang supplier kapag hindi agad ito babayaran.

“What if there is a vaccine and they won’t supply unless you pay at once? So the funds should already be available in the budget,” ayon pa sa house leader.

Marami umanong bansa ang umaasang makagawa na ng bakuna ngayong taon.

Bukod umano sa vaccine funds, sinabi ni Cayetano na isasama na rin nilang ilalaan sa proposed budget ang ‘economic stimulus appropriations’ na tutulong sa mga apektadong sektor na makabangon mula sa pandemiya.

Ito’y bilang dagdag umano sa pondong nakapaloob sa Bayanihan 2 o ang planong We Recover as One Law.

Pinaplantsa na lamang umano ang final version ng naturang proposed legislation na kung saan May inilaang P200 bilyon para sa ‘recovery programs and projects.’

“I think 80-90 percent we’ve gone over it and we already have some consensus,” ayon kay Cayetano.

Nakapaloob sa Bayanihan 2 ang pautang para sa mga small and medium businesses, at pondo para sa pagbili ng marami pang testing at medical supplies, at para sa turismo.

Bahagi pa rin nito ay mapupunta sa kailangan ng new-normal blended learning program ng Department of Education (DepEd).

Una na ring inalerto ni Cayetano ang mga kasamahan kongresista ukol sa posibleng pagpapatawag ng Pangulo ng special session para aprubahan ang naturang panukala



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kamara-pondo-pambili-ng-covid-19-vaccine-ilalaan-sa-2021-budget/)

Walang komento