Recent Posts

Breaking News

Kalibo airport magbubukas na

Pinayagan na ng Provincial Inter-Agency Task Force on COVID-19 na magbalik operasyon ang Kalibo International Airport para sa mga commercial domestic flight mula Maynila simula July 1.

Sa Executive Order No. 28 ni Aklan Governor Florencio Miraflores, inatasan niya ang mga airline na ibigay sa Civil Aviation Authority of the Philippines ang mga kopya ng manipesto nito kung saan nakatala ang pangalan, address at contact number ng mga pasahero.

Bago mag-book ng flight, kailangan namang magpakita muna ang mga pasahero ng medical certificate mula sa government physician, travel authority galing sa Philippine National Police at health declaration card na makukuha kapag nag-check in.

Dalawang flights kada linggo lang ang papayagan bawat airline.

Ang mga airline na pinayagan para sa Manila-Kalibo flights at vice versa ang Philippine Airlines/PAL Express, Cebu Pacific Air at Air Asia.

Sa ngayon ay COVID-19-free pa ang Aklan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kalibo-airport-magbubukas-na/)

Walang komento