Recent Posts

Breaking News

Kakulangan sa food supply, lumutang sa COVID pandemic – Villar

Dahil sa COVID-19 pandemic, nalantad umano ang limitasyon sa food supply ng bansa at pagkukulang sa distrisbution system, ayon kay Senadora Cynthia Villar, chairperson of the Senate Committee on Agriculture and Food.

Kaya dapat umanong i-promote ang self sufficiency sa mga Pilipino, partikular sa mga pamilya, kabahayan at mga komunidad.

“Covid-19 is an eye-opener for many people, not only in relation to our health, but the sufficiency and source of the food we eat, too,” sabi ni Villar.

“It made us realize how dependent and vulnerable we are when it comes to food,” dagdag pa nito.

Mula nang ipatupad ang community quarantine o lockdown, marami sa pamilyang Pinoy ay kinulang sa pagkain sa loob ng isang linggo o higit pa.

“The lack of food was of course due to many factors—no money due to loss of income, no access to food due to closures of nearby stores or food outlets and, movement of food supply was hampered,” ani Villar.

Sabi ng senador, ilan sa food expert ay sumasang-ayon na ang kasalukuyang pandemya ay naglantad ng mga kakulangan sa food supply gayundin sa, kahinaan ng distribution system.

Ikinatuwa naman nito na maraming nang nagkakaroon ng interest sa urban farming sa panahon ng lockdown.

“We have seen a renewed interest and enthusiasm in urban farming and backyard gardening. That’s a good indication and we should keep the momentum going,” ani Villar.

Subalit hindi aniya sapat ang basta pag-promote ng backyard gardening at pagbigay ng mga buto at pataba.

“It should not stop there, it should be supported by practical and sustainable programs and policies,” sabi nito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/kakulangan-sa-food-supply-lumutang-sa-covid-pandemic-villar/)

Walang komento