Recent Posts

Breaking News

Julia kinilala ang pagiging tatay ni Dennis

Ipinangalandakan ni Julia Barretto ang pagpapahalaga niya sa kanyang amang si Dennis Padilla, sa pinoste niyang throwback photo nila.

Dalawang larawan ‘yon na makikita sa IG ni Julia, kasama ang yumao niyang Lolo, at ang photo nga nila ni Dennis. Puting heart icon ang mensahe ni Julia sa larawan.

Pinuri si Julia ng kanyang mga follower sa posting nito. At ang maganda nga ay tahimik na ang isyu sa kanila.

Mika ipinaubaya na sa Diyos ang maysakit na fadir

Araw ng mga tatay noong Linggo na dapat sana ay masayang okasyon. Pero sa pamilya nina Angelika at Mika dela Cruz, ‘yun ang araw na humingi sila ng dasal para sa kanilang ama.

Walang detalye kung ano ang nangyari at biglang nabahala ang magkapatid sa kalagayan ng kanilang ama sa kasalukuyan. Sa post ni Angelika sa IG, humingi siya ng awa sa Diyos na pagalingin ang kanyang ama.

“Every child needs a father and I need mine. Lord we are nothing without you, someday we will all rest in heaven with you but lord god I’m begging you please give my father a long life and heal him. In jesus namen, amen,” sabi ni Angelika.

Kahit takot at kabado si Mika sa nakikita niyang kalagayan ng kanyang ama, ipinaubaya na niya sa Diyos ang magiging estado nito.

“Daddy… word’s aren’t enough to express how sad, scared, broken I am right now… Sobrang sakit makita yung kalagayan mo ngayon, nabigla tayong lahat…hindi tayo handa…i have now realized how precious moment is and daddy I will forever be grateful for your. You saved me. You accepted me with all you heart, kaya daddy lalakasan ko loob ko, para sayo kasi we will still need you. I still need you. Pinasa na kita kay LORD sabi ko siya na ang bahala. Mahal ka niya. Mahal kita. Lalaban tayo. Please pray for my dad everyone…please please please,” sabi naman ni Mika.

Pops, Martin nag-date, mga fan super kilig

Forever na ngang mananatili ang kilig sa mga fan nina Martin Nievera at Pops Fernandez kahit magkaibigan na lang sila, dahil sa mga sweet moment nila sa mga special occasion na hindi mo aakalaing magsasama pa sila.

Pinoste ni Pops ang larawan nilang dalawa ni Martin kasama ang isa nilang anak na si Ram Nievera. Ayon sa caption, nag-dinner si Martin sa bahay nina Pops para i-celebrate ang Father’s day.

Mismong si Ram ang nag-prepare ng dinner para sa kanilang tatlo.

Ang mga ganitong eksena ng dating mag-asawa ay nagdudulot pa rin ng kilig sa mga fan.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/julia-kinilala-ang-pagiging-tatay-ni-dennis/)

Walang komento