Recent Posts

Breaking News

Jobert Sucaldito walang kredibilidad – mga netizen

Kinuwestiyon ng madla kung bakit kinuhang resource person si Jobert Sucaldito sa pagdinig ng Kamara hinggil sa prangkisa ng ABS-CBN.

Matatandaang sinibak si Sucaldito bilang radio host ng DZMM, radio station ng ABS-CBN, matapos niyang sabihin na “sana’y tumalon na lang sa building” si Nadine Lustre noong pumutok ang isyu ng breakup nila ni James Reid.

Pinagtanggol ni Jobert ang kapwa showbiz columnist na si Ricky Lo, na nagsulat na isa ang mental health ni Nadine sa rason ng hiwalayan.

Dinemanda na ni Sucaldito ang DZMM at ang ABS-CBN sa DOLE matapos siyang suspindehin.

Kahapon, sa pagpapatuloy ng House joint hearing ukol sa Kapamilya network ay naging resource person ang dating radio host.

Nagalit ang mga netizen at giniit na walang integridad ang Kongreso dahil sa pag-imbita kay Sucaldito.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/jobert-sucaldito-walang-kredibilidad-mga-netizen/)

Walang komento