Recent Posts

Breaking News

Jeep, UV Express magbabalik-kalsada na

Papayagan na ng pambansang gobyerno ang pagronda ng mga traditional jeepney at UV Express sa mga kalsada ng Metro Manila, matapos silang pagbawalan sa pagbiyahe nang apat na buwan.

Inanunsiyo ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board na bubuksan nila ang 30 ruta para sa mga jeep.

Dagdag ito sa 38 iba pa na dinadaanan ng mga minibus, ang planong ipalit sa mga traditional jeep.

Samantala, 980 UV Express naman ang babagtas sa 47 ruta simula Lunes.

Wika ni LTFRB chair Martin Delgra sa Inquirer, dadagdag ang 68 nabanggit na ruta para sa mga jeep at minibus sa route rationalization program na naunang pinatupad para sa mga bus sa NCR.

Nagsimula na aniya silang magproseso ng mga aplikasyon para sa special permit kung saan kakailanganing makapasa ang mga jeep sa emission at road worthiness tests.

Batay sa guidelines, dapat magsuot ng face mask parehong ang mga pasahero at mga drayber. Dalawang pasahero lang ang pwede kada hilera, at laging may pagitan na tig-isang upuan.

Dapat ding sagutan ng mga pasahero ang contact tracing form sa terminal bago sila pasakayin. Dapat ding sakto ang bayad nila, o magkaroon ng sistema para mabawasan ang ugnayan sa drayber.

Inaabisuhan din sila na ilista ang plate number at pangalan ng drayber ng sasakyan, maging ang oras at petsa ng pagsakay.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/jeep-uv-express-magbabalik-kalsada-na/)

Walang komento