Recent Posts

Breaking News

J&T Express nagbabala na magkakaso vs ‘malicious post’, binura matapos batikusin

Naglabas ng pahayag ang local courier na J&T Express noong Biyernes na nagbababala sa publiko laban sa mga “malicious post” at “resolved case” online.

Anila, nakokompromiso ang kapakanan ng libo-libo nilang mga empleyado maging ng mga pamilya ng mga ito nationwide.

Pero binura nila kalaunan ang naturang pahayag matapos ulanin ng batikos.

Batay sa burado nang Facebook post, kakasuhan ng kompanya ang mga online user na patuloy na mag-a-upload ng mga naturang post.

“We are monitoring all platforms available and will take necessary actions legally. We highly encourage the public to practice their freedom of speech responsibly, and with the right thinking,” sabi ng courier.

“We have our hotline and social media accounts working ’round the clock, so that we can attend to all your concerns immediately. We hope for your consideration and understanding’,” dagdag nito.

Sa kabila na nabura na ito, na-screengrab ito ng ilang netizen.

Narito ang ilang comment ng mga netizen:

“Malicious? Eh huli nga sa akto tapos ngayong may pag “compromise the lives of the employees and their families?” Pero d niyo naisip yung tiwala na binigay sa inyo ng mga taong umoorder, pinaghirapan nila yung pambili ng item tapos babarubalin niyo,” ani Kevin Ganern.

“Grabe J&T express, tlagang gustong balikan ung bagpost eh, hindi naman tlaga mangyayari yan kung inayos ng mga empleyado nila ang paghahandle ng product. Kung mahal ng empleyado nila ng ang trabaho nila aayusin nila ang paggawa kaso isinisisi nila sa nagpost,” react naman ni Ryan Penafiel.

“Dapat dyan bigyan ng memo yung mga empeyado na gumawa nyan. Kasalanan ba ng nagvideo na ganyan ang mga empleyado nyo. Hello,” comment ni Virginia Garcia-Lao.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/jt-express-nagbabala-na-magkakaso-vs-malicious-post-binura-matapos-batikusin/)

Walang komento