Recent Posts

Breaking News

‘Interim overseer’ na tututok sa OFWs, iminungkahi

Iminungkahi ni Deputy Speaker Luis Raymund Villafuerte ang pagtalaga ng ‘interim overseer’ na siyang tututok sa repatriation at kabuhayan ng mga overseas Filipino workers (OFWs) na apektado ng COVID-19 pandemic.

“I appeal to Malacañang to appoint an interim take-charge guy to handle the repatriation of, and provision of local jobs and livelihood opportunities for, our OFWs who have been forced to return home because of the economic fallout from the global health emergency,” ayon kay Villafuerte.

Tulad umano ng pagtalaga ng Pangulo kay Environment Secretary Roy Cimatu na pinadala sa Cebu upang matutukan ang pagtugon sa COVID-19 cases matapos na patuloy na lumobo ang bilang ng kaso sa naturang lugar.

Ayon kay Villafuerte, ang nakikita umanong kalagayan ng mga stranded na OFWs, hindi lamang sa ibang bansa kundi maging dito sa Pilipinas na naantalang makauwi sa kani-kanilang probinsiya ay sapat nang dahilan upang magtalaga ng taong eklusibong tututok dito.

Ito’y habang nakabinbin pa umano ang panukalang pagbuo ng Department of Filipinos Overseas na siyang nangangasiwa sa kapakanan ng mga OFWs.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/interim-overseer-na-tututok-sa-ofws-iminungkahi/)

Walang komento