Recent Posts

Breaking News

Ilusyon ng mga fan: Julia bagay na ‘kabit’ sa Bea, Gerald project

Dahil pinapalabas ngayon sa Kapamilya Channel ang isa sa highest rating at pinag-uusapang k-drama ngayong taon na The World of the Married” nakakaaliw ang ilang netizens.

Nabasa namin sa mismong Kapamilya Online World kung sakali raw at gagawan ng Philippine version ang drama na ang tema, ang bidang actress na si Kim Hee Ae na siyang legal wife, halos perpekto na ang pagkatao, pero niloko pa rin ng asawa nito na ginagampanan naman ng South Korean actor na si Park Hae-joon at nakipagrelasyon pa sa naging kabit nito na ginampanan ng South Korean actress na si Han Soo Hee.

Pumili ito ng mas bata sa Misis niya.

Kung sakali nga raw at gagawan ng Philippine version, meron ng nabuong casting ang netizens.

Si Kim Hee Ae raw, ang tunay na asawa, si Bea Alonzo raw. Ang Mister niya na ipinagpalit siya sa mas bata, si Gerald Anderson daw ang dapat na gumanap.

At sa role ng kabit, hands-down na si Julia Barretto naman ang suggestion nila.

Ang tanong, sakali nga at mangyari, papayag kaya ang tatlo na magsama-sama at ang new normal taping, lockin na. (Rose Garcia)



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ilusyon-ng-mga-fan-julia-bagay-na-kabit-sa-bea-gerald-project/)

Walang komento