Recent Posts

Breaking News

Ilang weekend operation ng MRT-3 suspendido

Tigil-operasyon ang Metro Rail Transit (MRT) Line 3 sa apat na piling weekend mula Hulyo hanggang Setyembre para bigyang-daan ang pagsasaayos nito.

Ang mga ito ay sa: Hulyo 4-5, Agosto 8-9, Agosto 21-23, at Setyembre 12-13.

Kabilang sa mga gagawing rehabilitasyon, ayon sa pamunuan ng MRT, ang pagpapalit ng turnout (iyong panlipat ng track ng mga tren), rail destressing, rerailing, at resurfacing.

Layon ng rail replacement na mapabilis ang operating speed ng MRT-3 mula 40 kilometers per hour hanggang 60 kph sa Disyembre.

Inaasahan din anilang mabawasan nang 3.5 minuto ang headway, interval sa pagitan ng mga tren, kapag natapos na ang proyekto.

Ayon sa MRT, ang mga maaapektuhang commuter ay pwedeng sumakay na lang sa bus augmentation program ng mga transport agency.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ilang-weekend-operation-ng-mrt-3-suspendido/)

Walang komento