Recent Posts

Breaking News

Ikinumpara kay Hyun Bin: Mayor Vico pinaglaruan si Bossing

Sinakyan din ni Pasig Mayor Vico Sotto ang pagkakahawig ng ama sa South Korean actor.

Kumakalat sa social media ang edited picture ng South Korean actor at bida ng K-drama na Crash Landing On You na si Hyun Bin na mukha ni Bossing Vic Sotto.

Marami kasi ang nagsasabi na malaki ang hawig ni Hyun Bin kay Vic.

Mukhang namana ni Mayor Vico ang humor ng ama dahil sa gitna ng pandemic, kering-keri niyang humirit ng joke o magpatawa pa rin.

Binati ni Mayor Vico ang ama ng Happy Father’s Day at ang edited picture na ni Hyun Bin ang pinost nito.

Natatawang nag-reply ito sa nag-comment sa post niya na, “OMG!!! Hahaha editor of the year goes to Mayor Vico Sotto.”

Sinagot ito ni Vico nang, “May nag send lang po haha.”

Daddy ni Angelika kritikal ang kundisyon

Sa halip na mag-celebrate ng masaya kahapon bilang Father’s Day, malungkot at humihingi ng dasal ang actress na si Angelika dela Cruz.

Sa kabila ng pagiging abala niya ngayong quarantine bilang Kapitana ng Longos, Malabon, puno ng pag-aalala si Angelika.

As in, pagtungtong ng Father’s Day, inilipat daw sa CCU (Critical Care Unit) ang ama ni Angelika at ng young actress din na si Mika dela Cruz na si Daddy Ernie dela Cruz. Hindi naman na inilahad pa ni Angelika kung ano ang sakit ng ama.

Sa Instagram post niya, ipinost nito ang dasal para sa Daddy niya. Aniya, “Dear Lord, Please heal my father, a good brother, a good son, he is a good husband, and a good father. Please heal him, wash him with your precious blood. Sanctify him Lord Jesus Christ. I pray for every child who has some situation like me, I pray that they will be strong and that they will be strong and that you will hear their hearts desires.

“Every child needs a Father and I need mine. Lord we are nothing without you, someday we will all rest in heaven with you but Lord God I’m begging you please give my father long life and heal him. Amen.”

Wendell mas napalapit sa mga anak

Kung ang ibang existing show o serye ngayon ay sinasabing hindi makakabalik sa ere, ang kay Wendell Ramos ay siguradong mapapanood na.

Sey ni Wendell, “Sabi ng creative team, magbabalik na at marami pa pong mangyayari. Huwag po kayong bibitiw at ngayon, meron po kaming gagawin para malaman ng lahat ng tao na may babalikan pa sila,” sabi ni Wendell.

Dahil naman sa quarantine, mas na-realized ni Wendell ang importance ng mga oras na kasama raw ang pamilya niya.

“Ang family bonding namin, most of the time, nasa family area kami. Movie time. Usually naman, yun ang bonding ko sa kanila.

“Pero ngayon, parang mas naging intact pa kami lalo,” sabi niya.



Source: Abante (http://tnt.abante.com.ph/ikinumpara-kay-hyun-bin-mayor-vico-pinaglaruan-si-bossing/)

Walang komento